Nagpasalamat si Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang walang-patid na pagsuporta sa prosesong pangkapayapaan.
Ito ang inihayag ni Sec. Galvez sa pagdalo ng Pangulo sa ika-10 anibersaryo ng paglagda sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) sa Barira, Maguindanao Del Norte kahapon.
Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Sec. Galvez ang kahalagahan ng CAB sa pagwawakas ng ilang dekadang armadong pakikibaka sa rehiyon.
Sinegundahan ng kalihim ang pahayag ng Pangulo na ang kapayapaan ay nagreresulta sa malaking pagbabago sa buhay ng tao, dahil sa paglikha ng mga oportunidad sa trabaho, edukasyon, at kalusugan; pagpapaplawak ng imprastraktura; at paglago ng ekonomiya.
Tinukoy ni Galvez ang pagbabago ng Camp Abubakar mula sa dating sentro ng bakbakan tungo sa pagiging simbolo ng kapayapaan, bilang positibong epekto ng pagtalikod sa karahasan.
Nagpahayag ng kumpiyansa si Sec. Galvez na sa pamamagitan ng collective effort ng lahat ng stakeholder, ang Bangsamoro ay magiging isang modelo ng kapayapaan, hindi lang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of OPAPRU