Sec. Hans Leo Cacdac, pinangunahan ang kaniyang unang flag raising ceremony bilang pinuno ng DMW

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng bagong liderato ng Department of Migrant Workers (DMW) na kanilang ipagpapatuloy ang nasimulang legacy ng dati nilang kalihim, ang yumaong Secretary Susan ‘Toots’ Ople.

Ito ang inihayag ni Secretary Hans Leo Cacdac nang pangunahan nito sa unang pagkakataon ang kanilang flag raising ceremony ngayong umaga.

Sa kaniyang talumpati bilang bagong pinuno ng DMW, sinabi ni Cacdac na ipagpapatuloy lamang ang trabaho.

Nagpasalamat din siya kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa tiwala at kumpiyansa para pamunuan ang DMW.

Sa huli, tiwala si Cacdac na sa ilalim ng kaniyang liderato ay mapaiigting pa ang pagtatanggol sa karapatan at kapakanan ng mga OFW sa ilalim ng Administrasyong Marcos Jr. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us