Sumulat na si Sec. Larry Gadon ng Office of Presidential Adviser on Poverty Alleviation sa Philippine Drug Enforcement Agency para makasuhan ang mga taong nasa likod ng pagpapakalat ng pekeng dokumento laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nag-uugnay sa iligal na droga.
Sa kanyang liham, iginiit ni Gadon na sinisira ng pekeng dokumento ang reputasyon ng Pangulo na naglilikha ng pagpapakalat ng mga maling impormasyon.
Bagamat may pagtanggi ang PDEA sa nasabing dokumento, hindi daw ito sapat para matigil ang mga paninira.
Hinikayat niya ang PDEA, kasuhan nila ang ” fake news peddlers” upang hindi na ito tularan ng iba.
Una nang sinabi ng ahensya na peke ang dokumento na nagsasabing subject ng isang operasyon ng PDEA si PBBM noong 2014. | ulat ni Mike Rogas