Sec. Pascual, nakipagpulong kay Lithuanian Foreign Minister Gabrielius Landsbergis

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakipagpulong si Trade Secretary Alfredo Pascual kay Lithuanian Foreign Affairs Minister Gabrielius Landsbergis para pag-usapan ang pagnanais na mamuhunan sa sektor ng pharmaceutical at aerospace sa Pilipinas.

Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, layon ng naturang pagpupulong na mas mapalakas pa ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas at Lithuania, partikular sa bilateral cooperation ng dalawang bansa at ang ekonomiya ng bawat isa.

Dagdag pa ng kalihim, nais din ng naturang bansa na matulungan ang Pilipinas upang mapayabong pa ang mga nabanggit na sektor at mas makilala ito sa international market.

Sa huli nagpasalamat naman si Sec. Pascual kay Foreign Affairs Minister Gabrielus Landsbergis sa pagnanais na mamuhunan sa Pilipinas, at makakaasa aniya ito ng mas magandang relasyon ng Pilipinas at Lithuania. | ulat ni Aj Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us