Kinansela ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang lisensya ng Copperstone lending dahil sa “unfair debt collection practice” ng kumpanya.
Bigo rin ang lending firm na ipaalam sa kanilang borrowers ang tamang “terms of payment” ng loan contracts.
Ang Copperstone ay operator at online lending platforms ng Moca Moca, Peso Buffet, Pococash, Peso Forrest, Blue Pesos at Load cash.
Ayon sa Financing and Lending Companies Division ng SEC, naglabas ng atas ang ahensya noong Aprill 11 laban sa Copperstone dahil sa paglabag nito sa Republic Act No. 3765 or the Truth in Lending Act (TILA) and SEC Memorandum Circular No. 18.
Maliban sa pagkansela ng certificate to operate ng lending company, pinagmumulta rin ito ng P20,000.
Ang aksyon ng corporate regulator ay bunsod ng napakaraming reklamo nilang natanggap laban sa Copperstone Lending’s OLPs. | ulat ni Melany Valdoz Reyes