Lumagda ng Memorandum of Understanding (MOU) ang Qatar at Pilipinas, upang magtulungan sa pagpapalakas ng sektor ng turismo ng kapwa bansa.
Base sa nilagdaan MOU sa harap nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Qatari Emir HE Sheikh Tamim Bin Hamad Al Thani at sa Malacañang, ngayong araw (April 22), nakasaad ang pagdi-develop at pagpapatatag ng dalawang bansa sa mga kooperasyon at pamamaraan sa linya ng turismo, kung saan kapwa magbi-benepisyo ang dalawang bansa.
Sisiguruhin ng Pilipinas at Qatar na naka-angkla ito sa mga patakaran at regulasyon, maging sa kanilang international obligations.
Bukod sa pagpapalakas sa koordinasyon, layon rin ng MOU na makahatak ng tourism investments, maging ang pagsasagawa ng mga meeting o conferences sa international level, kaugnay sa turismo.
Sa pamamagitan ng MOU, hihikayatin ng dalawang bansa ang kapwa mamamayan na bisitahin ang Pilipinas at Qatar, para sa pagpapalakas ng turismo ng dalawang bansa.| ulat ni Racquel Bayan