Naging maayos at mapayapa ang selebrasyon ng Eid’l Fitr sa Zamboanga City kung saan nagkaisa ang mga Zamboangueñong muslim sa iba’t ibang bahay dasalan upang ipagdiwang ang pagtatapos ng buwan ng Ramadan.
Pinamunuan ni Sheikh Ashraf Radjuli bilang Khateeb ang seremonya ng Eid sa Joaquin Enriquez Memorial Sports Complex o Grandstand kung saan isa ito sa mga lugar saan nagtipon ang mga nananampalataya sa relihiyong Islam.
Inatasan din ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga ang pansamantalang pagsasara ng iilang mga kalsada sa nasabing lugar saan isinagawa ang congregational prayer kaninang umaga.
Samantala, pinamunuan naman ni Shaykh Albasari ang Salatu Eid’l Fitr 1 Shawwal 1445H na isinagawa sa Paseo del Mar ng lungsod.
Ang naturang aktibidad ay inorganisa naman ng Ehsan Foundation Inc. sa pakikiisa ng Ulama Council of Zamboanga Peninsula at ng iba pang Muslim organizations sa Zamboanga City.| ulat ni Justin Bulanon| RP1 Zamboanga