Nagpahayag ng pag-asa si Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr na magbubunga ng maganda ang unang trilateral meeting sa pagitan ng Pilipinas, Japan at Estados Unidos.
Giit ni Revilla, ang pagpapatibay ng relasyon ng ating bansa sa Japan at Amerika at pagtutulungan sa pagitan ng ating mga bansa ay maghahatid ng higit na seguridad, kaayusan at pag unlad sa ating rehiyon.
Welcome rin para sa senador ang anunsyo ni US President Joe Biden na higit isang bilyong pisong private sector investment mula sa US ang layong sudportahan ang innovation economy ng Pilipinas maging ang clean energy transition at supply chain resilience.
Ikinatuwa rin ni Revilla ang launching ng Luzon Economic Corridor na magkokonekta sa Subic Bay, Clark, Manila at Batangas.
Binigyang diin ng mambabatas na sa pamamagitan nito ay nagkaroon ng commitment ang Japan, Pilipinas at Us na pabilisin ang coordinated investment sa mga high-impact infrastructure projects.
Kabilang na dito ang rail, ports modernization, clean energy and semiconductor supply chain and deployment, agribusiness at civilian port upgardes sa Subic bay. | ulat ni Nimfa Asuncion