Sen. Chiz Escudero, inaming sa kaniya naka-isyu ang protocol license plate na nahuli sa EDSA busway kahapon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inamin ni Senador Chiz Escudero na sa kanya naka-isyu ang protocol license plate no. 7 na nahuli ng MMDA matapos dumaan sa EDSA Busway.

Matatandaang matapos masita ay iniwan lang ng driver ng sasakyan ang kanyang lisensya saka umalis.

Gayunpaman, nilinaw ni Escudero na hindi awtorisado ang naging paggamit ng protocol plate dahil ang sasakyan ay minamaneho ng driver ng isang miyembro ng kanyang pamilya.

Kasunod ng insidente, inatasan na aniya ng senador ang driver na magpakita sa LTO at sumunod sa show cause order na inilabas laban sa kanya at harapin ang mga paglabag na ginawa nito.

Iginiit ni Escudero na hindi niya personal na ginagamit ang protocol license plate na binigay sa kanya.

Inanunsyo rin ng mambabatas na isusuko na rin niya sa LTO ang protocol plate na nasangkot sa naturang insidente.

Pinuri rin ng senador ang mga awtoridad para sa kanilang pagbabantay at binigyang diin na suportado niya ang mga hakbang ng pamahalaan na tiyaking nasusunod ng lahat – anuman ang ranggo, titulo o posisyon – ang mga batas trapiko.

Humingi rin ng paumanhin si Escudero sa publiko at sa mga kasamahan niya sa Senado para sa oversight na ito. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us