Isinusulong ni Senate Committee on Agriculture Chairperson Senator Cynthia Villar ang pagkakaroon ng rabies-free community sa pamamagitan ng iba’t ibang mga aktibidad.
Ipinunto ni Villar na ang rabies ay endemic na sa Pilipinas
Sa kabila nito, sinabi ng senator na ang rabies ay nananatili pa ring isang public health problem kahit pa may available namang mga bakuna laban dito.
Aniya, ang rabies ang pinakanakamamatay na infectious disease na maaaring mailipat sa pamamagitan ng kagat o laway ng mga hayop gaya ng aso at pusa, na carrier nito.
Pinunto ni Villar, na nitong nakaraang taon ay umabot sa higit 300 ang nasawi dahil sa rabies.
Pinakamataas aniya ang naitatalang insidente ng rabies sa Metro Manila ang mga kalapit na lugar.
Kaya naman para mapuksa ang rabies sa mga komunidad, pinangungunahan ng senator ang mga programa gaya ng libreng anti-rabies vaccinations, kapon at spaying sa mga alagang hayop.
Ayon kay Villar, layon ng ganitong mga programa ang maitaguyod ang responsible pet ownership. | ulat ni Nimfa Asuncion