Muling nanawagan si Senate Committee on Ways and Means chairman Sen. Sherwin Gatchalian na tuluyan nang ipatigil ang operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Pilipinas.
Ito ay kasunod ng utos ng Malacañang na i-freeze ang lahat ng assets ng POGO firm na na-raid sa Tarlac kamakailan.
Giit ni Gatchalian, wala namang benepisyong dulot ang POGO sa ating bansa taliwas sa sinasabi ng mga nagsusulong nito.
Ang dala lang aniya nito sa ating bansa ay kriminalidad at kahihiyan.
Nagdudulot rin aniya ito ng logistical complications at dagdag na gastos para sa pamahalaan bunga ng pagpapakain, housing at pagpapa-deport sa mga unwanted aliens.
Binigyang diin ni Gatchalian na dapat maging mas matimbang ang kapakanan ng bansa at tuluyan nang tuldukan ang POGO operations.| ulat ni Nimfa Asuncion