Sen. Gatchalian, nanawagan sa LGUS na magpatupad ng contingency plan para sa mga manggagawa kontra init

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni Senador Sherwin Gatchalian ang mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng contingency plan para maprotektahan ang mga manggagawa mula sa masamang epekto ng mainit na panahon na dulot ng El Niño.

Ayon kay Gatchalian, dapat bigyan ng flexibility at sapat na oras ng pahinga ang mga manggagawa ng gobyerno na nagtatrabaho sa labas o sa mga lugar na walang aircon para maiwasan ang heat exhaustion at heat stroke.

Kabilang na aniya dito ang mga street sweeper, traffic enforcer at mga construction worker.

Sinabi ng senador, na maliban sa pagpapahintulot na magpahinga sa oras ng trabaho, kailangan rin aniyang kasama sa anumang contingency plan na pagtitibayin ng mga LGU ang pagbibigay ng angkop na kasuotan sa mga manggagawa, para makatulong na maprotektahan sila mula sa heat stress.

Maging ang mga pribadong kumpanya ay hinimok rin ni Gatchalian na magpatupad ng contingency plan para sa kanilang mga empleyado na may outdoor exposure o field work.

Binigyang diin rin ng mambabatas, na dapat ring ibigay sa mga manggagawa ang kanilang regular na sweldo nang walang bawas. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us