Inirerekomenda ni Senate Committee on Basic Education Chairperson Senador Sherwin Gatchalian sa mga paaralan na magpatupad muna ng blended learning sa gitna ng pangamba sa pertussis o whooping cough at mainit na panahon.
Ipinaalala ni Gatchalian, na may otoridad ang mga punong-guro ng mga paaralan na magpatupad ng blended learning lalo’t may banta sa kaligtasan ng mga mag-aaral.
Sa pamamagitan aniya nito ay maipagpapatuloy na ang pag-aaral ng mga estudyante. at mabibigyan pa ng prayoridad ang kanilang mga pag-aaral.
ahapon, ilang mga lokal na pamahalaan na ang nagsuspinde ng klase dahil sa init ng panahon.
Habang may mga LGU na ring nagdeklara ng pertussis outbreak at state of calamity dahil sa naturang sakit.
Kasabay nito ay nanawagan rin si Gatchalian sa mga punong-guro, na magpatupad ng mga hakbang para sa kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral sa paaralan.
Matatandaang una na ring isinusulong ng mambabatas ang unti-unting pagbabalik sa dating school calendar. | ulat ni Nimfa Asuncion