Dapat ring imbestigahan ng National Security Council katuwang ang Commission on Higher Education (CHED) ang isyu tungkol sa sinasabing “degree for sale”.
Ito ang binigyang diin ni Senate Majority Leader Joel Villanueva sa gitna ng ulat ng pagdagsa ng Chinese students sa Cagayan at pagbabayad ng hanggang dalawang milyong para sa diploma.
Ayon kay Villanueva, ang isyung ito ay hindi lang nakaapekto sa integridad ng ating education system dahil may implikasyon din ito sa ating national security.
Pinatitiyak rin ng senador na hindi ito isa pang paraan para makapasok sa Pilipinas ang mga kwestyonableng Chinese citizens tulad sa mga POGO.
Kasabay nito muling hinihimok ng senador ang gobyerno na seryosong ikonsidera na ang permanenteng pagban sa mga ilegal na POGO operations sa bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion