Pinuri ni Senador Lito Lapid ang mabilis na pagtugon ng pamahalaan sa mga apektado ng umiiral na El Niño sa bansa.
Ayon kay Lapid, agad na natugunan ng gobyerno ang patuloy na epekto ng matinding tag-init dahil nasiguro ang sapat na suplay ng pagkain at naibsan ang pinsala sa lokal na ekonomiya.
Partikular na tinukoy ng senador ang naibigay na tulong pangkabuhayan sa mga apektadong mgaagsasaka at mga mangingisda.
Kabilang ang P1.4 billion na inilaan para sa Local Adaptation to Water Access (Project Lawa) at Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished (Project BINHI) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nakapaloob sa mga programang ito ang pagbibigay ng Learning and Development Sessions (LDS) on Climate Change Adaptation and Mitigation and Disaster Risk Reduction (CCAM-DRR), cash-for-work (CFW) at cash-for-training (CFT) sa mga magsasaka at mangingisdang apektado ng tagtuyot.
Suportado rin ni Lapid ang pagtugon ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. kontra sa epekto ng El Niño.
Kabilang na rito ang cloud-seeding, pagkukumpuni at rehabilitasyon ng irrigation canals, pamamahagi ng mga alagang hayop, paggamit ng low-water use technology at iba pang tulong pangkabuhayan sa mga magsasaka at mangingisda.| ulat ni Nimfa Asuncion