Sen. Mark Villar, ikinatuwa ang pagkakumpleto ng C5 Quirino Flyover

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi na nakuhang tumahimik pa ni Senator Mark Villar matapos opisyal na buksan ang C5 Quirino Flyover sa Lungsod ng Las Piñas.

Ang naturang tulay ay proyekto noong panahon na kalihim pa si Villar ng Department of Public Works Highways (DPWH).

Ayon sa mambatatas, umaasa siya na maiibsan ng nasabing tulay ang traffic sa lungsod.

Siniguro din nito, na hindi ang nasabing flyover ang huling proyekto sa Las Piñas dahil marami pa aniya ang nakalinyang kalsada, tulay at establisyimentong gagawin sa nasabing siyudad.

Kasabay nito ay pinasalamatan din ni Villar ang DPWH na dati niyang mga kasamahan, sa patuloy na suporta kahit pa wala na siya sa nasabing ahensya. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us