Inihain ni Senate Committee on Constitutional Ammendments Chairman Senador Robin Padilla ang Resolution of Both Houses No. 8 na nananawagan ng pagkakaroon ng constitutional convention para maamyendahan ang 1987 Constitution.
Sa pagsusulong ng naturang panukala, sinabi ni Padilla na ang itinutulak niyang con-con ay magiging participatory at demokratikong paraan ng pag amyenda sa saligang batas.
Ipinahayag rin ng senador na isa itong paraan para mapawi ang pangamba ng ilan na ang panukalang chacha (charter change) ay isinusulong lang para sa interes ng iilan.
Sa resolusyon, itinatakdang pagbobotohan ng magkahiwalay ng mga miyembro ng Senado at Kamara ang pagpapatawag ng con-con.
Kakailanganing makakuha ng tig two-thirds vote mula sa bawat kapulungan para matuloy ang con-con.
Itinutulak rin sa reoslusyon ang pagkakaroon ng batas na magtatakda ng lahat ng detalye tungkol sa pagkakaroon ng con-con. | ulat ni Nimfa Asuncion