Sen. Poe, tiniyak na patuloy na isusulong ang kapakanan at pangangailangan ng war veterans ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakikiisa si Senator Grace Poe sa pagkilala sa katapangan at kabayanihang pinamalas ng mga war veteran ng Pilipinas ngayong ginugunita ang Araw ng Kagitingan at ang Philippine Veterans Week.

Binigyang diin ni Poe, na ang hindi matatawarang kagitingan na pinamalas ng ating war veterans ang nagtiyak na patuloy na mamamayagpag ang watawat ng Pilipinas sa ating mga kalupaan at karagatan.

Dahil dito, nararapat lang aniyang igawad rin ng estado sa ating mga beterano at kanilang mga pamilya ang kinakailangan nilang pag-aalaga at suporta.

Ipinunto ng senator, na una nilang isinulong ang pagpapasa ng batas tungkol sa pagpapataas ng disability pension ng mga beterano nitong nakaraang taon.

Tiniyak rin ni Poe, na patuloy pa nilang isusulong ang mga panukalang batas na magtataguyod ng kapakanan ng mga war veteran ng Pilipinas.

Umaasa rin ang senator na patuloy na mabubuhay ang kabayanihan at katapangan ng ating mga beterano sa bawat Pilipino, lalo na ang mga nangunguna sa pagtatanggol sa ating teritoryo at soberanya laban sa kasalukuyang mga banta. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us