Sasailalim bukas sa isang medical procedure si Sen Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. dahil sa natamo nitong Achilles tendon injury.
Ang Achilles tendon ay ang buto sa likod ng binti malapit sa sakong.
Ayon Kay Revilla, tatagal ng apat na oras ang operasyon para ayusin ang tinamo niyang injury.
Napag-alaman na tatagal ng tatlo hanggang 5 buwan ang recovery period para dito.
Pero ayon sa senador, may maaari naman siyang isuot na parang boots para maipagpatuloy pa rin niya ang pagganap sa kanyang tungkulin bilang senador kahit pa sa panahon na nagre-recover siya.
Umaasa ang mambabatas ang maayos at matagumpay na operasyon na gagawin sa kanya.| ulat ni Nimfa Asuncion