Iminungkahi ni Senador Francis Tolentino sa Department of Health (DOH) na maglabas ng mga advisory para magabayan ang publiko tungkol sa mga seasonal na sakit at health issues na sumusulpot sa buong taon.
Ito ay kasabay ng pagkabahala ng senador sa tumataas na kaso ng tigdas, pertussis, rabies infection at iba pang sakit na dulot ng mainit na panahon, volcanic activity at water disruption.
Ayon kay Tolentino, mainam na mapataas ang kamalayan ng taumbayan tungkol sa mga sakit na dulot ng panahon, disruptions at bacterial at viral infections
Sinabi ni Health Deputy Spokesperson at Assistant Secretary Albert Domingo na base sa datos, mula Enero hanggang Marso ng taong ito ay nakapagtala na ng 1,189 na kaso ng tigdas; 862 pertussis cases at 89 na kaso ng rabies infection.
Muli ring minungkahi ni Tolentino ang paggamit ng herbal medicine para sa tigdas at pertussis, na kadalasang nakakaapeto sa bata at sanggol.
Pero giniit ni Domingo, na nirerekomenda lang niya ang paggamit ng herbal medicine para maibsan ang sintomas ng tigdas at pertussis gaya ng lagnat, ubo at sipon.
Mas mainam pa rin aniyang gamutin ang mga sakit na ito gamit ang tamang bacterial o viral infection medicines. | ulat ni Nimfa Asuncion