Senado, ipaprayoridad ang pagtalakay sa ROTC bill sa susunod na buwan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangako si Senate President Juan Miguel Zubiri na ipaprayoridad ng Senado ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) bill sa pagbabalik ng kanilang sesyon sa Mayo.

Ayon kay Zubiri, kinausap na niya si Senate Majority Leader Joel Villanueva tungkol dito.

Ang naging commitment aniya ng senate leader kay Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, na isa sa mga pangunahing nagsusulong ng ROTC bill, ay maitatakda ang pagtalakay sa naturang panukala araw-araw sa susunod na buwan.

Para rin sa senate leader, hindi totoo na wala nang pag-asa ang ROTC bill na makapasa sa senado dahil sa kanyang pananaw ay mas marami namang mga senador ang pabor sa naturang panukalang batas.

Ipinaliwanag rin ni Zubiri, na sa ilalim ng ROTC bill na kanilang isinusulong ay magkakaroon ng mga safeguard kontra hazing.

Hindi lang rin aniya military training ang pagtutuunan nito ng pansin dahil isasama rin sa programa ang pagsasanay para sa cybersecurity, engineering at medical response.

Sa ngayon, naka pending pa para sa second reading ng senado ang ROTC bill. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us