Pinag iingat ni Senate Committee on Health Chairman, Senador Christopher ‘Bong’ Go ang publiko sa gitna ng inaasahang pagtaas pa ng heat index sa bansa ngayong tag-init.
Ang pahayag na ito ng senador ay kasunod ng naitalang mataas na heat index o nararansang init ng panahon nitong mga nakalipas na araw, kung saan sa ibang lugar ay pumalo na itinuturing na ‘danger’ level.
Nagbabala na rin ang mga otoridad na tataas pa lalo ang heat index dahil kakaumpisa pa lang ng tag-init at dahil sa umiiral na el nino.
Babala ni Go, kabilang sa mga banta na dulot ng mainit na panahon ay ang heat exhaustion at heat stroke.
Kaya naman payo ng senador, ibayong pag-iingat at alagaan ang kalusugan.
Ugaliin aniyang uminom ng sapat na tubig, huwag magbabad sa araw hangga’t maaari at proteksyunan ang mga bata at ang mga matatanda. | ulat ni Nimfa Asuncion