Pinabubusisi ni Senadora Imee Marcos sa Senado ang kakulangan sa suplay ng tubig na nararanasan sa ilang bahagi ng bansa.
Sa inihaing Senate Resolution 986 ng senadora, ipinunto nito ang pagreactivate ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Task Force El Niño para bumuo ng komprehensibong disaster preparedness plan para sa publiko sa gitna ng El Niño at La Niña wrath phenomena.
Binanggit rin sa resolusyon ang naging pahayag ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na may komprehensibo, coordinated at science-baddd approach ang pamahalaan sa pagtugon sa epekto ng El Niño.
Gayunpaman, sa kabila ng mga inisyatibo ng pamahalaan, nais malaman ni Senadora Imee kung bakit may krisis pa rin sa tubig sa ilang lugar at nagkaroon pa ngntaas singil sa tubig.
Partikular na tinukoy ang pagiging epektibo ng taas singil sa tubig ng Manila Water at Maynilad pagpasok ng taon o noong Enero.
Binigyang diin ng mambabatas na dapat makapaghanda ang bansa dahil base sa ulat ng Department of Science and Technology (DOST) noong December 2023, maaaring umabot sa 65 na probinsya o 77% ng kabuuang probinsya sa bansa ang makaranas ng tagtuyot pagdating ng katapusan ng Mayo ngayong taon. | ulat ni Nimfa Asuncion