Kinilala ni House Committee on Senior Citizens Chair at Senior Citizen Party-list Representative Rodolfo Ordanes ang hakbang ng Manila LGU na magbigay ng trabaho sa mga senior citizens at persons with disabilities.
Kasunod ito ng nilagdaang kasunduan ng pamahalaang lungsod at isang kilalang fast food chain para maglaan ng employment opportunity sa mga nakatatanda at may kapansanan.
Umaasa naman si Ordanes na darami pa ang mga establisimyento na magsusulong ng patas na karapatan sa trabaho para sa seniors at PWD at ipatupad ang anti-discrimination laws sa kanilang workplaces.
Bunsod nito, plano ani Ordanes ng Senior Citizen Party-list na magbigay pagkilala sa mga LGU, kompanya, at organisasyon na masugid na isinusulong ang karapatan, kapakanan, at proteksyon ng mga senior citizen. | ulat ni Kathleen Jean Forbes