Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of National Defense (DND), Department of Budget and Management (DBM), at Department of Finance (DOF) na rebyuhin ang mga benepisyong natatanggap ng mga sundalong nagtamo ng permanenteng pinsala o disability.
Ito ayon sa Pangulo ay upang masiguro na naaayon ang benepisyong kanilang natatanggap sa kanilang sakripisyo.
Sa ika-82 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan sa Mount Samat National Shrine sa Pilar, Bataan, inatasan nito ang mga nabanggit na departamento na magsumite ng rekomendasyon kaugnay sa gagawing pag-aaral sa separation benefits ng mga sundalo na nagtamo ng permanenteng disability habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.
“I am directing the Defense, Budget, and Finance Departments to study the existing separation benefits of soldiers who incurred total permanent disability in the line of duty to see if these are commensurate to their sacrifices they have made and submit their recommendation while taking stock of the national government’s position.” -Pangulong Marcos
Sabi ng Pangulo, ang Armed Forces ng bansa ay patuloy na itinataguyod ang seguridad at soberanya ng Pilipinas.
Ito aniya ang dahilan kung bakit dinu-doble ng pamahalaan ang efforts nito, upang kilalanin at suklian ang sakripisyo ng mga sundalo.
“The present-day Armed Forces continue this noble duty of safeguarding our nation’s security and our sovereignty. And in recognition of their bravery and sacrifices, we are doubling our efforts.” -Pangulong Marcos
Kabilang na dito ang pagpapalakas ng operation capability at kagamitan ng AFP.
“We are doubling our efforts to enhance their operational capability. We must therefore also ensure their safety by procuring the right equipment.” -Pangulong Marcos.
Kaugnay nito, inatasan ng Pangulo ang DND at AFP na i-assess at magsumite ng kanilang ulat kaugnay sa responsiveness ng mga kasalukuyang military supply at equipment ng AFP.
“I therefore task the DND and AFP to assess and submit a report on the responsiveness of the current inventory of military supplies and equipment.” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan