Simula ngayong lunes, April 1, 2024 ay epektibo na rin ang Single Ticketing System sa lungsod ng Malabon.
Sa inilabas na abiso ng Malabon LGU, pangungunahan ng Public Safety and Traffic Management Office ang pagpapatupad ng polisiya alinsunod na rin sa City Ordinance #03-2023 na nag-aadopt sa MMDA Resolution No. 23-02 kaugnay ng Single Ticketing System.
Sa ilalim nito, magiging “standardized” na ang mga multa sa mga karaniwang paglabag sa batas trapiko sa buong Metro Manila.
Ibig sabihin, kapareho na rin sa Malabon ang multa gaya sa ibang mga lungsod sa NCR.
Mas madali na rin ang pagbabayad ng multa dahil pwede na itong gawin sa LGU, sa MMDA, o sa mga online payment channels. | ulat ni Merry Ann Bastasa