Umaapela si Senate President Juan Miguel Zubiri sa Department of Agriculture (DA) na i-monitor din ang sitwasyon ng livestock production sa gitna ng umiiral na napakainit na panahon sa bansa.
Ayon kay Zubiri, maliban sa mga pananim ay apektado rin ang livestock sector ng mainit na klima.
Base sa impormasyon na nakaabot sa senador, ilang mga alagang hayop gaya ng manok at baka na aniya ang namamatay dahil sa sobrang init at ang ibang baboy naman ay nagkakaroon ng mga sakit.
Ang ilang kulungan rin aniya ay walang maayos na ventillation
Samantala, hinikayat rin ng Senate leader ang pamahalaan na magsagawa na ng cloud seeding para maibsan ang tagtuyot. | ulat ni Nimfa Asuncion