Lumagda ng Free Trade Agreement sa Pilipinas ang bansang South Korea sa para sa patuloy na pag-export ng iba’t ibang prutas mula sa ating bansa.
Ayon kay trade Sec. Alfredo Pascual, laman ng naturang free trade agreement ay ang pag-aalis ng tariff collection ng Korea sa exported fruits tulad ng saging at pine apple na pangunahing pilipinas ang kanilang pinagkukunan.
Dagdag pa ni Pascual, nasa ika-walong pwesto ang naturang bansa sa may pinakamalaking export capital ng bansa na umaabot sa US$2.57 billion export revenues sa Pilipinas.
Nagpapasalamat naman si Sec. Pascual sa South Korean Government sa paglagda sa naturang trade agreement bagay na malaking tulong sa export sector ng bansa.| ulat ni AJ Ignacio