Aabot sa 75,000 kilo ng bigas ang naipamahagi sa paglulunsad ng Cash and Rice Distribution (CARD) Program sa La Trinidad Benguet.
Pinangunahan mismo ni Speaker Martin Romualdez ang pamamahagi ng tulong pinansyal nitong Aprill 21 na nagkakahalaga ng ₱2,000 sa 3,000 benepisyaryo katuwang ang DSWD.
Ang cash aid na ito ang gagamitin pambili ng 25 kilo ng premium rice.
“Sa programang ito, at iba pang programang ipinatutupad ng mahal na Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., nakikita po natin ang potensyal ng pagkakaisa – mga sangay ng pamahalaan, nagsasama-sama ng puwersa upang mas maging epektibo at mas marami pa ang maabot ng kanilang mga serbisyo,” sabi ni Romualdez.
Kasabay naman nito ay kinilala ng La Trinidad si Speaker Romualdez bilang adopted son ng munisipalidad.
Ang Resolution No. 69-2024, na pinagtibay ng municipal board nitong March 26, 2024, ay naggagawad din kay Romualdez ng titulong “Batakagan,” o “Brightest Star”.
“Resolved as it is hereby done, to declare the House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez, as an adopted son of the Municipality of La Trinidad, Benguet Province and bestowed with the name “Batakagan” (Brightest Star),” saad sa dalawang pahinang resolusyon
Maliban sa pabigas, may 2,000 vocational at tertiary students na nangangailangan ang nabigyan ng ₱2,000 financial aid sa ilalim ng ISIP for the Youth.
Sa loob ng anim na buwan ay tutulungan sila ng DSWD sa pamamagitan ng AICS.
Kabuuang ₱14-million na halaga ng cash aid naman ang naipagkaloob sa 3,000 SIBOL program beneficiaries para sa pagsisimula ng kanilang negosyo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes