Pinasalamatan ni Speaker Martin Romualdez ang San Miguel Consortium sa pangunguna ng CEO nito na si Ramon Ang sa pagbibigay ng mas malaking OFW lounge para sa mga papaalis na Overseas Filipino Workers.
Matatandaan na ang SMC consortium ang nakakuha ng P170.6 billion PPP project para sa rehabilitasyon at operasyon ng NAIA.
Matatandaan na nitong Enero nang buksan ang OFW Lounge was Terminal 1.
Batay sa plano ng SMC na ibinahagi ni NAIA Terminal 3 General Manager Eric Jose Ines, kayang tumanggap ng 200 indibidwal ang itatayong OFW lounge sa terminal 3.
“Dito sa T3 nakikita natin itong original envisioned OFW lounge kagaya sa Terminal 1. Napakaganda nun pero punong-puno na. Dito naman sa T3 kasi mas maraming pasahero ang darating dito we are very grateful to Mr. Ramon Ang and Mam Cecille (Ang’s daughter) for accommodating not only the OFW lounge here but they want to accommodate a larger space that’s almost double the area. Mas malaki pa ang gustong ibigay, naliliitan sila sa unang plano sa request. So talagang nakikita natin na mas magiging maayos at maganda ang operation dito sa NAIA,” sabi ni Romualdez.
Dagdag ng House leader, malaking bagay ang OFW lounges na ito upang iparamdam sa ating migrant workers na sila ay VIP.
“Gusto natin na may maayos na lounge area na comfortable at dun sila pwede kumain at kumuha ng refreshments bago sila lumipad sa ibayong dagat at magtratrabaho,” aniya.
Inaasahan na magiging operational ang OFW lounge sa T3 sa Hunyo.
Bago naman ito ay nag-donate si Speaker Romualdez ang dalawang telebisyon sa OFW Lounge sa Terminal 1 at masusundan din para sa Terminal 3.| ulat ni Kathleen Forbes