Nakikidalamhati si Speaker Martin Romualdez sa naiwang pamilya at constituent ni Cavite 4th district Rep. Elpidio Barzaga.
Hapon ng April 27, pumanaw ang 74 na taong gulang na kongresista sa Estados Unidos.
Oktubre ng nakaraang taon ng lumipad pa US si Barzaga para sa open heart surgery.
Ayon kay Romualdez labis na ikinalulungkot ng Kamara ang pagkawala ng kanilang kasamahan na isa sa mga magagaling na legal thinker.
Aniya madalas nilang lapitan at hingan ng payo si Barzaga lalo na pagdating sa mga numero sa national budget, bilang isang CPA-lawyer ang namayapang Cavite solon.
“We are deeply saddened by Cong Pidi’s passing. The House of Representatives has just lost a great legal thinker and a smart number-cruncher,” sabi ni Speaker Romualdez.
“I myself consulted him on a number of legal issues. He was always lending a helping hand. We will also remember him as an indefatigable lawmaker who made it a point to attend sessions and participate actively in committee hearings with extensive preparations,” dagdag pa niya.
Ipinaabot din ng House leader ang pakikiramay at dasal sa pamilya ni Barzaga na si Mayor Jenny Barzaga, mga anak nito at contituents sa Dasmariñas City.| ulat ni Kathleen Forbes