Isinailalim na ang San Enrique, Negros Occidental sa state of calamity.
Ito’y kasunod ng pag-apruba ng Sangguniang Bayan ng San Enrique sa naging rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council na ideklara ang state of calamity dahil sa naitalang malaking pinsala sa agrikultura at palaisdaan ng bayan na umapekto na sa kabuhayan ng libo-libong residente.
Bukod dito, kinukulang na rin ang supply ng tubig sa Barangay Tibsoc na ngayon ay pinapadalhan pa ng supply ng local government.
Kasunod ng pagdeklara ng state of calamity, maaari nang magamit ng municipal government ang kanilang calamity fund.
Samantala, dahil sa patuloy na banta ng El Niño phenomenon, isinusulong ng mga opisyal sa Negros Occidental ang pagpapatupad ng ng cloud seeding operation. | ulat ni JP Hervas | RP1 Iloilo