Kapwa ipamamalas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng US Armed Forces ang kani-kanilang state-of-the-art assets sa isasagawang Maritime strike live-fire exercise sa May 8 sa La Paz Sand Dunes, Laoag City sa Ilocos Norte.
Kabilang sa mga ibibida ng AFP ay ang Jose Rizal-class guided missile frigate kasama ang C-Star anti-ship missile system gayundin ang multi-purpose attack craft na armado ng Spiker ER surface-to-surface missiles.
Sasabak din sa pagsasanay ang FA-50 light jet fighters ng Air Force na may air-to-ground Maverick missiles at ang A-29B “Super Tucano” close-air support aircraft.
Kasama din ang Cessna 208 Surveillance Plane, Hermes 900 long endurance unmanned aerial vehicle at iba’t ibang artillery systems mula sa Philippine Army at Philippine Marine Corps.
Sa panig naman ng Amerika, bibida naman ang kanilang AC-130 gunship, P-8 “Poseidon” maritime patrol and reconnaissance aircraft, MQ-1 “Predator” remotely piloted aircraft, M-9 “Reaper” unmanned aerial vehicle, at Mach 2.0 capable F-16 jet fighters.
Highlight ng naturang pagsasanay ang isang scenario kung saan, target ang isang decommissioned naval oil tanker. | ulat ni Jaymark Dagala