Sinasamantala ngayon ng pamahalaan partikular ng Department of Information and Communications Technology ang tinatawag na “Super Election Year”.
Paliwanag ni Information and Communications Sec. Ivan John Uy, ang “Super Election Year ay ang taon kung saan maraming bansa sa buong mundo ang nagsasagawa o magsasagawa ng kanilang halalan at sa pagkakataong ito ay aabot sa 80 bansa sa buong mundo ang sasailalim o sumailalim na sa halalan.
Dahil dito ay nakikipag-ugnayan na aniya sila sa mga bansang ito kung paano mapigilan ang pagkalat ng pekeng impormasyon.
Ito ang naging tugon ni Uy hinggil sa tanong na kung paano mapipigilan ang paggamit ng AI o Artificial Intelligence sa masamang paraan pagsapit ng 2025 elections sa bansa.
Giit ng Kalihim, patuloy nilang mino-monitor ang “Super Election Year” at pakikipagpulong sa election bodies ng mga naturang bansa para malaman ang mga klase ng pagkakalat ng ‘fake news’, misinformation at disinformation at kung paano ito maiiwasan. | ulat ni Lorenz Tanjoco