Ikinatuwa ng Department of Transportation (DOTr) ang anito’y “all-out” na suporta at pakikiisa ng mga lokal na pamahalaan sa North-South Commuter Railway Project (NSCR)
Partikular na kinilala ng Kagawaran ay hinggil sa usapin ng rights-of-way gayundin ang pagpapatupad ng mga programa para sa relokasyon ng mga informal settler na naninirahan sa ruta ng Philippine National Railways (PNR).
Ayon sa DOTr, tiniyak sa kanila ng mga Local Chief Executive ang kaligtasan ng mga construction crew ng mga private contractor sa kanilang pagpasok at pag-uwi mula sa sites.
Sa ganitong paraan ayon sa Kagawaran, mas mapabibilis ang trabaho sa pangunahing proyekto sa ilalim ng Build Better More at magagarantiyahan ang pagtatapos nito sa itinakdang oras.
Ang North-South Commuter Railway ay ang 147 kilometrong riles na magkokonekta sa Calamba City sa Laguna at New Clark City sa Pampanga na daraan naman sa ilang lugar ng National Capital Region (NCR). | ulat ni Jaymark Dagala