Nababahala ngayon si Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers sa ulat ng pagdami ng mga estudyante sa bansa na mula China.
Ayon sa mambabatas, lumalabas sa mga pagdinig sa Kamara na nakakakuha ang Chinese nationals na ito ng Filipino birth certificates, lisensya, UMID cards, pasaporte at maging pagiging miyembro ng auxiliary force ng Philippine Coast Guard.
Pinakahuli namang ulat ng umano’y ‘Chinese invasion’ ay ang mga estudyante sa state universities na malapit sa EDCA sites.
“What are large numbers of Chinese students doing in areas close to EDCA sites? If they really want to be schooled on Philippine culture, they will enroll in Manila, not Cagayan. There was mention of student exchange program allegedly sanctioned by CHED. I have been saying this all this time, CHED has a lot of officials who engage in politicking using the state universities and colleges to advance their political plans. These officials have to go. They have become part of this big security threat. All these officials and employess of these various agencies are complicit in this treacherous crime”, diin ni Barbers.
Sabi ni Barbers, hindi malayo na may bahid ng korapsyon ang pagpapahinutulot sa mga Chinese national na ito na makakuha ng mga dokumento at benepisyo na para lang sa mga Pilipino.
“The only sure thing right now is that corruption at its worst has eaten us up. This is the only logical explanation. If these Chinese nationals can get all these accreditations and buy our agricultural and private lands, acquire and lease properties and other assets, enroll in our universities on the pretext and cover of exchange student programs, work here without permits, obtain loans from our banks then abscond or leave the country without a trace, then we are drafting our epitaph as a nation,” ani Barbers.
Bunsod nito ay nanawagan ang mambabatas kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na suspindihin o alisin sa pwesto ang mga incompetent at corrupt na opisyal o empleyado ng pamahalaan upang tuluyang mapigil ang ganitong kalakaran at dahil sa banta ang mga opisyal na ito sa ating national security. | ulat ni Kathleen Jean Forbes