Idineklara ng lokal na pamahalaan ng Pilar, Abra ang suspensyon ng klase sa primary at secondary level sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa naturang munisipyo ngayong araw kasunod ng engkwentrong naganap kahapon, ika-4 ng Abril sa pagitan ng militar at NPA.
Ayon kay 501st Brigade Civil Military Operations Officer Maj. Bryan Albano, naganap ang engkwentro sa pagitan ng mga tropa ng 50th Infantry Battalion at miyembro ng NPA North Abra Guerrilla Field Committee sa boundary ng Nagcanasan, Pilar, Abra at Babalasioan, Sta. Maria, Ilocos Sur.
Tumagal ang bakbakan mula 11:50 ng umaga kahapon hanggang alas-7 kagabi.
Sinabi ni 5th Infantry Division Commander MGen. Audrey Pasia na ito ang pang-limang engkwentro sa pagitan ng militar at mga teroristang komunista sa lalawigan sa unang kwarter ng taon. | ulat ni Leo Sarne