Pinangunahan ni Taguig City Mayor Lany Cayetano nitong linggo ang isang pulong kasama ang DepEd Taguig at Pateros, upang ilatag ang ilang pagkilos upang maagap na protektahan ang mga residente nito, lalo na ang mga mag-aaral at guro sa inaasahang pagtaas ng temperatura at heat surges.
Kabilang sa naging resulta ng pulong ang pagbibigay ng araw-araw na ulat ng heat index na nakabatay sa bawat isa sa 52 pampublikong paaralan sa lungsod na maaaring magamit ng mga komunidad para sa paghahanda para sa labis na init.
Isinaayos rin ang dress code para sa mga guro kung saan pinapayagan ang mga ito ng magsuot ng polo shirts habang P.E. uniforms naman sa mga pag-aaral upang labanan ang mainit na panahon.
Hindi rin inirerekomonda ang pagsasagawa ng mga outdoor activities ng mga paaralan sa pagitan ng 10:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon upang maiwasan ang mga heat-related health risk sa mga estudyante.
Bukod dito, isinasagawa ng lungsod ang mga inspeksyon sa mga paaralan upang ayusin ang mga air conditioning unit para sa mas komportableng lugar sa mga mag-aaral.| ulat ni EJ Lazaro