Pinalawig na rin sa lalawigan ng Quezon ang programang Tara, Basa! Tutoring Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Kasunod ito ng paglagda sa ng DSWD ng memorandum of agreement (MOA) sa provincial government ng Quezon kasama ang state universities at colleges (SUCs) para sa implementasyon ng programa sa lalawigan.
Pinangunahan nina DSWD Undersecretary for Innovations Eduardo Punay, DSWD Field Office Calabarzon Regional Director Barry Chua, at local government executives ang MOA signing na isinagawa sa Provincial Capitol Building sa Lucena City.
Naroon din ang mga kinatawan ng SUCs kabilang ang Polytechnic University of the Philippines Lopez Campus; College of Mauban; Polytechnic University of the Philippines Mulanay; Philippine Normal University South Luzon; Colegio de la Ciudad de Tayabas; President, Southern Luzon University; Polytechnic University of the Philippines, Unisan Campus; at President Laguna State University.
Sa ilalim ng Tara, Basa! Tutoring Program, makakatanggap ng cash-for-work ang mapipiling college students kapalit ng pagiging tutor sa mga batang nahihirapang magbasa o youth development worker na magsasanay sa mga magulang na maging Nanay-Tatay tutor sa kanilang mga anak sa bahay.
Layon nitong tulungan ang mga kabataan na nasa elementarya na matuto at bumilis sa kanilang pagbabasa ay isa sa recalibrated educational assistance ng ahensya. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📷: DSWD