Teacher solon, bumuwelta sa mga ‘demand’ ni Pastor Quiboloy bago sumuko

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi dapat magpadala ang administrasyon sa mga hinihinging demand ni Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy ayon kay House Deputy Minority Leader France Castro.

Aniya, walang karapatan ang naturang pastor na mag-demand ng mga kondisyon kapalit ng pagsuko at pagharap sa mga kaso.

Sa pinakahuling pahayag ni Quiboloy, sinabi nito na haharapin lamang nito ang kanyang mga kaso dito sa Pilipinas kung hindi makikialam ang Amerika partikular ang Federal Bureau of Investigation, Central Intelligence Agency at US Embassy.

Ani Castro, harapin na lang dapat ni Quiboloy ang kaniyang mga kaso dito sa Pilipinas at US.

Sa ginagawa kasi niyang pagtatago ay lalo lang lumalakas ang argumento na guilty talaga siya.

“We urge Quiboloy to face the case against him and dispel any doubts regarding his innocence. Demanding guarantees only perpetuates the perception of guilt. Justice should prevail, and he should face the legal process without further delay,” sabi ni Castro.

Una naman nang siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na paiiralin ng pamahalaan ang pagmamalasakit at pagiging patas sa pagdinig sa mga kaso ni Quiboloy na matagal na niyang kakilala.

“So, we will exercise all the compassion to Pastor Quiboloy, we’ve known for a very long time. Ang maipapangako na all the proceedings will be fair.” ani Pangulong Marcos. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us