Pinalilinaw ngayon ng isang mambabatas sa Department of Education kung magkakaroon ba ng overlap ang graduation day para sa mga pampublikong paaralan sa 2025 midterm elections.
Sa pagdinig ng House Committee on Basic Education ang Culture, ipinunto ni ACT Teachers partylist Rep. France Castro na kung pagbabatayan ang DepEd Memorandum No. 3, s. 2024-2025 magtatapos ang School Year 2024-2025 sa May 16.
Habang gaganapin naman ang 2025 midterm elections ng May 12.
Kung ganito kasi aniya ang mangyayari ay maaaring mahati ang atensyon ng mga guro.
Nangako naman ang DepEd na sisilipin ito.
Mayroon din naman anilang kapangyarihan ang Pangulo ng Pilipinas na iurong ang pagtatapos ng school year kung kakailanganin. | ulat ni Kathleen Jean Forbes