Napabilang ang Technical Education Skills Development Auhtority (TESDA) sa ‘Most approved and Trusted Government Agencies sa bansa batay sa pinakahuling datos ng Publicus Asia.
Nakapagtala ang TESDA ng 71 approval at 59 percent trust rating sa naturang survey.
Ayon naman kay TESDA Director General Suharto Mangudadatu, ito’y isang magandang indikasyon na naihahatid ng kanilang tangapan ang maayos na programa at serbisyo sa bawat mamayanan.
Dagdag pa Mangudadatu, ipagpapatuloy pa nila ang mga nasimulang gampanin na makapagbigay ng de kalibreng training sa mga kababayan nating na nais magkaroon ng special skills na magagamit nito sa anumang trabaho at sektor sa ibayong dagat. | ulat ni AJ Ignacio