Inihahanda na ni Manila 6th District Representative Bienvenido Abante ang panukalang batas tungkol sa pag-regulate sa paggamit ng TikTok sa bansa.
Ayon sa mambabatas, masyado na umanong marahas ang ilang content ng nasabing social media app na kadalasan ay naapektuhan ang kultura ng bansa.
Dahil sa paggamit ng TikTok, madalas ay hindi natututo ang mga kabataan sa Wikang Filipino dahil ang Wikang banyaga ang pangunahing gamit dito.
Ngunit kung gagamitin naman daw ang Wikang Filipino ng nasabing social media app, maaaring magbago ang kanyang desisyon.
Bukod dito, nais din niyang patingnan ang buwis na maaaring malilikom ng gobyerno sapagkat maraming kinikita ito sa mga Pinoy.
Kanya ring sisilipin ang banta sa seguridad sa bansa ng TikTok dahil posibleng magamit ito sa pang-eespiya ng China sa PIlipinas. | ulat ni Mike Rogas