Tobacco farmers, nakapagbenta na ng mataas na presyo ng kanilang produkto – National  Tobacco Administration

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naibebenta na ng tobacco farmers sa mataas na presyo ang kanilang produkto sa mga buying station ngayong season.

Sa ulat ng National Tobacco Administration (NTA), kabilang sa mga produktong ito ay ang flue-cured Virginia tobacco leaves, at ang air-cured burley at native tobacco leaves.

Base sa latest monitoring ng NTA sa tobacco trading operations, umabot na sa P113 ang buying price kada kilo ng prime class ng tobacco o class AA ng flue-cured Virginia tobacco, na mas mataas kaysa sa aprubadong floor price na P97.

Inaasahan din ang pagtaas ng hanggang P100 kada kilo ang buying price ng prime class ng parehong air-cured burley-type tobacco at native-type na tobacco, na mas mataas sa inaprubahang P81 floor price.

Ayon kay NTA Administrator Belinda Sanchez, dahil sa tumataas na kalakaran sa actual buying price ng tabako asahan na raw na kikita ng malaki ang tobacco farmers ngayong panahon. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us