Inatasan na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang operators ng mga toll booth sa mga expressways na maglatag ng hakbang para maiiwas ang mga teller at iba pang tauhan mula sa matinding init ng panahon.
Sa panayam sa Kamara, sinabi ni TRB Executive Director Alvin Carullo na isa sa mga inihaing solusyon ay ang pagkakaroon ng rotation ng mga tellers.
Gayunman, kailangan anila na mag-hire ng dagdag na tauhan upang maisakatuparan ito nang hindi makokompromiso ang serbisyo.
Matatandaan na ipinaalala ng Department of Labor ang Employment (DOLE) ang pagsunod sa Labor Advisory No. 8, series of 2023 na naglalatag ng mga hakbang para protektahan ang mga empleyado mula sa heat stress.
Kabilang dito ang pagbawas sa heat exposure, sapat na ventilation at heat insulation sa lugar ng paggawa, pag-adjust sa mga rest break, at access sa inuming tubig. | ulat ni Kathleen Jean Forbes