Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson, Col. Francel Padilla ang pagbagsak ng isang training chopper ng Philippine Navy sa Cavite City ngayong umaga.
Aniya, nangyari ang insidente pasado alas-6:45 ng umaga sa likod lamang ng Cavite City Public Market.
Isang Robinson R22 Helicopter na isang training aircraft ang bumagsak sa nabanggit na lugar sakay ang piloto at pasahero nito.
Nagawa pang dalhin sa ospital ang dalawa subalit hindi na ito pinalad at idineklara nang ‘dead on arrival’ ng attending physician.
Nabatid na nagsagawa ng emergency landing ang naturang helicopter subalit wala pang inilalabas na impormasyon sa dahilan nito.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. | ulat ni Jaymark Dagala
📷: Contributed photo