Ipakilala ni Dr. Maria Leonila Bautista, Associate Scientist ng Department of Science and Technology, sa pangunguna ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PHIVOLCS), ang Rapid Earthquake Damage Assessment System o REDAS kung saan ang software na ito, aniya, ay makatutulong upang alamin ang mga panganib na dulot ng sakuna tulad ng lindol, landslide at tsunami.
Sa panayam ng RP3 Alert, ipinaliwanag ni Bautista na may kakayahan ang REDAS na i-simulate o gayahin ang iba’t ibang earthquake hazards tulad ng pagyanig o pagguho ng lupa. Gayundin, para sa pagpaplano at preparasyon sa mga posibleng sakuna sa hinaharap.
Sa ngayon, mahigit 50 probinsya na sa buong bansa ang nabigyan ng lisensya upang magamit ang REDAS. Bukod sa software, kasama rin ang training at assistance sa libreng serbisyong hatid ng DOST-PHIVOLCS. | ulat ni Jollie Mar Acuyong