Malaking tulong sa pagkumpleto ng mga proyekto ng Department of Transportation (DOTr) ang tulong pinansyal at teknikal ng Asian Development Bank (ADB).
Sa ginanap na DOTr-ADB coordination meeting, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na kumpiyansa siyang mapabibilis ang pagkumpleto sa malalaking mga proyekto ng DOTr dahil sa suporta ng ADB.
Binigyang diin ng kalihim na kinakailangan na matapos ang mga proyektong ito bago magwakas ang termino ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Kasama sa mga ADB investment-approved project na tinututukan ng DOTr ang modernisasyon ng NAIA, North-South Commuter Railway System, MRT-Line 4, EDSA Greenways Project, Davao Public Transport Modernization Project, at Infrastructure Preparation and Innovation Facility.
Tiniyak naman ng ADB ang patuloy na suporta sa DOTr upang matugunan ang kakulangan sa imprastraktura sa bansa.| ulat ni Diane Lear