Bilang alalay sa nararamdamang inflation sa bansa ay ilulunsad ng Super8 supermarket ang isang 2-day summer sale kung saan magbibigay ito ng mga diskwento sa kanilang mga mamimili.
Ayon kay Super8 Chief Executive Officer Alvin Lim, ang kanilang pangako ay ang makapagbigay ng access sa mga Pilipino para mga pinakamahahalaga at pangunahing produkto at ang kanilang summer sale event ang kanilang pagpapakita ng pasasalamat sa kanilang mga suki.
Paliwanag pa ni Lim, ang kanilang mga suki ay kadalasang mga may-ari ng sari-sari store kaya umaasa sila na sa pamamagitan ng mga malalaking diskwento, bababa ang presyo ng mga paninda ng mga reseller na itinitinda sa kanilang mga komunidad.
Ito naman ang magiging mitsa para makaranas ang publiko ng mas mababang mga presyo ng bilihin. | ulat ni Lorenz Tanjoco