Pinasisiguro ng isang mambabatas na may saganang pondo ang mga targeted anti-poverty programs ng pamahalaan gaya ng TUPAD at AICS sa 2025 National Budget.
Ito ang tugon ni Ang Probinsyano Party-list Rep. Alfred Delos Santos matapos bumaba ang bilang ng mga Pilipino na itinututing ang sarili na mahirap batay sa ginawang survey ng OCTA Research.
Giit ng party-list solon, ang mga programang ito ay naging epektibo sa pagtugon sa kagutuman at kahirapan kaya’t mahalaga na matiyak na patuloy itong mapopondohan sa susunod na taon.
Sabi pa ng mambabatas, na hindi gastos ang pagpopondo sa mga poverty alleviation program na ito bagkus ay isang investment.
Kaya naman pinatitiyak nito sa Department of Budget and Management na buhusan ng pondo ang naturang mga programa sa isusumiteng National Expenditure Program para sa 2025.
“We see these programs as immediate and direct solutions to lift families out of poverty and keep families from falling back into poverty. We consider the budgets of these programs as investments, not costs.” ani Delos Santos. | ulat ni Kathleen Forbes